MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Isinagawa ang unang Promotional Activity ng mga programang Camarines Norte Medical Students Financial Assistance Program (CNMSFAP) at MaPaLaD (Medisina Para sa Lahat Dapat) Program ngayong araw ika-12 ng Abril, 2024 sa 3rd floor Administrative Building ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Pinangunahan ni Dr. Walter Randolph Jalgalado – Provincial Health Officer I at Dr. Sarah Marie P. Aviado – Community Affairs Division (CAD) Officer In Charge ang orientation at information campaign patungkol sa mga programa ng Provincial Government na CNMSFAP at MaPALAD Program ng Commission on Higher Education (CHED).

Dumalo at nagsilbing kalahok sa gawain ang mga Nursing Students mula sa mga paaralan ng Mabini Colleges Inc. at La Consolacion College of Daet na karamihan ay nasa ika-apat na taon na ng pag-aaral. Kasama ring dumalo sa gawain ang ilang Clinical Instructors at kawani ng CNPH sa isinagawang orientation activity.

Pangunahing layunin ng gawain ang makahimok ng mga Camnorteño na mag-aral bilang doktor sa pamamagitan ng suporta, tulong at pagiging iskolar ng gobyerno.

Asahan ang pagsasagawa ng kaparehong gawain sa iba't ibang major school dito sa lalawigan ng Camarines Norte.


article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Ito'y hatid sainyo ng Provincial Government of Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Dong Padilla, Vice Governor Engr. Joseph Villaverde Ascutia, Sangguniang Panlalawigan Board Members at ng Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office.

Kitakits Cam Norteños!

article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte
media credits to: https://www.facebook.com/dongpadilla001

Pormal nang inanunsyo nitong ika-11 ng Marso sa Official Facebook Page ni Governor Dong Padilla ang pagbisita at pagdalo ng sikat na bandang Ben&Ben sa Bantayog Music Festival (BMF) 2024.

Sa video message ng Ben&Ben, ipinabatid ng nasabing banda ang kanilang excitement na makapagdala ng saya sa mga CamNorteños sa pamamagitan ng kanilang musika.

Para sa kaalaman ng lahat ang Ben&Ben ay isa sa mga bandang maghahatid ng saya sa Camarines Norte sa gaganaping Bantayog Music Festival 2024 ngayong darating na April 27 na mangyayari sa Daet Airport, Camarines Norte.

Matatandaang noong nakaraang Bantayog Festival 2023, ay ipinangako ni Governor Dong Padilla sa harap ng libu-libong Camnorteño na ang susunod niyang dadalhin at magpapasaya sa BMF 2024 ay ang bandang Ben&Ben, na nagkaroon nga ng katuparan. Malugod ding ipinabatid na ang nasabing Music Fest ay libre at malinaw na walang bayad, na siya namang naghatid ng karagdagang galak at saya sa ating mga kababayan.

Kasama ring makikisaya sa nasabing Music Fest ang solo artist na si Maki – na sikat na sikat rin lalo na sa mga kabataan ngayon. Ang bandang Ben&Ben naman ang magsisilbing main act sa Music Fest . Abangan rin nating lahat ang surprise special guest na sponsored by Senator Robinhood Padilla. Sa mga kaabang-abang na balitang ito ang ating mga kababayan ay patuloy na nagagalak sa mga surpresang hatid ng Pamahalaang Panlalawigan.

written by: Joana C. Fortuna & Arjay Jimenez Efondo



article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte
media credits to: https://www.facebook.com/dongpadilla001

Nakipag-ugnayan ang Community Affairs Division ng Provincial Government of Camarines Norte sa pangunguna nina Governor Ricarte "Dong" Padilla at Vice-Governor Joseph Ascutia upang ipamahagi ang kabuuang 2.3 milyong piso bilang tuition fee at reimbursement sa 625 na benepisyaryo ng CNPGCEAP.

Bago ang pamamahagi, isang oryentasyon ang idinaos para sa mga benepisyaryo na mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong probinsya. Dito, tinalakay ang kahalagahan ng edukasyon at ang papel ng gobyerno sa suporta sa kanilang pag-aaral. Naihayag din ang transisyon ng nasabing opisina mula sa pamumuno ni Mr. Abel Icatlo at sa pormal na pagkakatalaga ng bagong officer-in-charge Camarines Norte Provincial Information Officer na si Dr. Sarah Marie Pante Aviado.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Provincial Administrator Don Eduardo Padilla ang madalas na pahayag ng Gobernador na kailangan ng sakripisyo upang makamit ang tagumpay at higit sa lahat, makatulong sa pamilya.

Pinangunahan naman ni Mr. Marcial Ferrer ang oryentasyon sa mga college grantees kaugnay sa tamang proseso at iba pang mga alituntunin.

Ipinamahagi ang tig-tatatlong libong piso (3,000) sa 383 grantees na nag-aaral sa Camarines Norte State College (CNSC). Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng tig-lilimang libong pisong (5,000) tuition fee reimbursement ang 242 grantees na nag-aaral sa mga pribadong paaralan. Sa kabuuan, umabot sa 2.3 milyong piso ang naipamahagi sa 625 college grantees sa buong lalawigan.


article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

The Province of Camarines Norte, through the efforts of Museo Bulawan, welcomed the esteemed European Union Ambassador to the Philippines, His Excellency LUC VÉRON to Camarines Norte.

Around 11:30 in the morning, His Excellency Luc Vѐron arrived at the Provincial Capitol Grounds. There, a festive welcome awaits the esteemed guests, consisted of His Excellency Luc Vѐron, Madame Nicole Weissman Vѐron, Lucile Martin (Programme Manager, EU Gender, Civil Society and Youth Focal Point), Michelin Alvarez (Finance Manager), Elaine Ramirez (Executive Assistant, Cooperation Section), His Excellency's chauffeurs, Sangguniang Panlalawigan Board Members, Camarines Norte State College President-Dr. Marlo Dela Cruz, Dra. Rosalie Almadrones, and significant personnel of PGCN offices.

Master of Ceremony Mr. Abel C. Icatlo (Head and Museum Curator of Museo Bulawan) started the program on time.

With his exhuding passion and love for God and country, Camarines Norte Governor Hon. Ricarte R. Padilla bestowed his gratitude to His Excellency Luc Vѐron through a message of appreciation and a Key to the Province of Camarines Norte.

In response, His Excellency Luc Véron delivered a speech of gratitude to all Camnorteños. The crowd gasped in awe when he greeted them in perfect diction of "Magandang araw po!".

As soon as the welcome program ended, His Excellency Luc Véron, Hon. Ricarte R. Padilla, and Dr. Marlo Dela Cruz proceeded to the Governor's office for a conversation and a special luncheon.

The European Union entourage soon journeyed to Museo Bulawan and Wenceslao Q. Vinzons Library where they were presented with the rich Camnorteño history, arts, and literary prowess. His Excellency Luc Vѐron then step foot in the vicinity of our First-Ever Rizal Monument in the World (Unang Bantayog ni Rizal) where he was welcomed with a cultural dance performance.

Subsequently, The European Union entourage was handed over to the care of Daet Municipal Tourism Office and Vinzons Municipal Tourism Office to fulfill His Excellency's itinerary.

Once again, mabuhay, and thank you for your special visit to Camarines Norte, His Excellency Luc Veron!/p>

article credits to: https://www.facebook.com/museobulawancn

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA