MENU
  • 1 of 2 Featured Banner
  • 2 of 2 Featured Banner2

Groundbreaking Ceremony sa Sitio Mat-i, Barangay Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte nitong ika-9 ng Mayo, 2024 naging pagsisimula ng pagtatayo ng state-of-the-art at tinatawag na Multi-Purpose Building na maglalaman ng Training Instructional Facility/Meeting Incentives Conference for Education, Sports Building (MICES), Primary Health Center, at Site Development Phase 2.

Ang proyektong ito ay bunga ng inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor Ricarte "Dong" Padilla at Vice-Governor Joseph Ascutia. Pinondohan ito ng Ako Bicol Party List na pinamumunuan nina Cong. Zaldy Co at Cong. Raul Angelo "Jill" Bongalon.

Samantala, nagbigay-pugay si Governor Ricarte "Dong" Padilla sa mga indibidwal at ahensya na tumulong sa proyekto, tinawag niya itong "dream come true" na nagkakahalaga ng ₱350 milyon.

Ang nasabing seremonya ay nagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa proyekto na magbibigay daan sa pag-unlad ng pampalakasan at iba't ibang aktibidad sa lalawigan na malaki ang kaugnayan sa sektor ng isports. Ito ay isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng sportsmanship, pagkakaisa, at pagtutulungan sa Camarines Norte.


article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Ang aming taos pusong pasasalamat sa walong festival contingents na nagpakita ng angking husay, galing at talento na repleksyon ng makulay na kultura, istorya, turismo at ganda ng ating probinsya.

Congratulations to this year's winners:

SPECIAL AWARDS:
BEST IN MOVING CHOREOGRAPHY: Pabirik Festival - Paracale
BEST IN COSTUME: Pabirik Festival - Paracale
BEST IN MUSIC: Pabirik Festival - Paracale
BEST IN FESTIVAL QUEEN: Pinyasan Festival - Daet

MAJOR AWARDS:
GRAND CHAMPION: Pinyasan Festival - Daet
FIRST RUNNER UP: Kadagatan Festival - Mercedes
SECOND RUNNER UP: Pabirik Festival - Paracale

MABUHAY ANG CAMARINES NORTE!
MABUHAY ANG CAM NORTEÑOS!


article credits to: https://www.facebook.com/LoveCamNorte

Dios Mabalos sa isang mahiwagang gabi Ben&Ben, Maki シ at sa ating mga local bands na nagpasaya ng okasyong ito na alay namin sa bawat CamNorteños.

Ito'y taos pusong hatid sa inyo ng Provincial Government of Camarines Norte sa pangunguna ni Governor Ricarte Dong Padilla, Vice Governor Engr. Joseph Villaverde Ascutia, Sangguniang Panlalawigan Board Members, Office of the Provincial Administrator Don Eduardo S. Padilla at ng Provincial Tourism Operations Office.


article credits to: https://www.facebook.com/LoveCamNorte

Sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno nina Governor Dong Padilla, Vice Governor Engr. Joseph Villaverde Ascutia, Sangguniang Panlalawigan Board Members at Camarines Norte Provincial Tourism Operations Office, matagumpay na ginanap ang Binibining Camarines Norte Grand Coronation Night nitong ika-28 ng Abril 2024 sa Camarines Norte Agro Sports Center.

Ang mga sumusunod na binibini ay ang nakasungkit ng korona at titulo;
- Bb. Camarines Norte 2024 – Trixia Jorgia Aganan (Talisay)
- Bb. Bantayog 2024 – Angela Joyce Tabago (Jose Panganiban)
- Bb. Turismo 2024 – May Gabrielle Rodolfo (San Vicente)
- 1st Runner Up – Vanessa Valenzuela (Jose Panganiban)
- 2nd Runner Up – Sandara P. Estrella (Mercedes)

Pagbati sa lahat ng mga lumahok at nanalo sa kompetisyong ito. Happy Bantayog Festival!


article credits to: https://www.facebook.com/piocamnorte

Copyright © 2018 PROVINCE OF CAMARINES NORTE. All Rights Reserved.
Under the Administration of Community Affairs Office.
Developed by GYA